^

Metro

3 MMDA traffic enforcers tiklo sa pambubugbog ng tsuper

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Himas rehas  ang tatlong traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa umano'y pambubugbog sa isang truck driver ngayong Biyernes.

Nakilala ang mga suspek na sina Anthony Solinas, Mark Lester Banaag at Juan Pagulayan na nakakulong ngayon sa Quezon City Police District Station 9 ayon sa ulat ng DZMM.

Lumabas sa imbestigasyon na hinarang ng tatlong suspek ang 10-wheeler truck driver na si Enrico Derelo sa panulukan ng Philcoa at CP-Garcia sa Commonwealth.

Hiningi ng mga kawani ng MMDA ang lisensya ni Derelo ngunit hindi niya ito binigay dahil aniya'y wala naman siyang nilabag na batas trapiko.

Bumaba ng kanyang minamanehong sasakyan si Derelo ngunit sapak at tadyak ang inabot niya sa tatlo.

Nahaharap sa kasong physical injury sina Solinas, Banaag at Pagulayan.

ANTHONY SOLINAS

BANAAG

BIYERNES

BUMABA

DERELO

ENRICO DERELO

GARCIA

JUAN PAGULAYAN

MARK LESTER BANAAG

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT STATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with