MANILA, Philippines – Sa Abril magsisimula ang operasyon ng passenger ferry boats ng Metropolitan Manila Development Authority, isang solusyon upang maiwasan ang nakaambang lalong pagbigat ng daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.
Sinabi ni MMDA chairman Francis Tolentino na ginawa nilang pampasaherong bangka ang kanilang tatlong tugboats na tatako a Ilog Pasig mula Guadalupe sa lungsod ng Makati hanggang sa Escolta sa Maynila. Kayang magsakay ng bawat ferry boat ng 40 katao.
Layunin ng MMDA na buhayin ang Pasig River ferry system upang mahikayat ang mga pribadong kompanya na mamuhunan dito.
Kaugnay na balita: Kontra trapik: Ferry sa Pasig river dapat buhayin!
"What we’re trying to do here is arouse the interest of private firms to operate a ferry system again in Pasig River," wika ni Tolentino..
Wala pa namang halaga ang pamasahe na sinabi ni Tolentino na idudulog muna sa Department of Transportation and Communications.
Inaasahan sisikip lalo ang mga pangunahing kalsada sa Metro Manila dahil sa iba’y ibang road projects ng gobyerno.
Kabilang dito ang Skyway 3 na magkokonekta sa North at South Luzon expressway.