Kaso ng dengue sa Taguig bumaba

MANILA, Philippines - Mula sa 1,385 noong 2012, bumaba sa 690 ang bilang ng mga kaso ng dengue sa lungsod ng Taguig noong nakaraang taon batay  sa taunang ulat ng City Health Office (CHO).

 â€œAng malaking pag­baba ng bilang ng mga kaso at reported death dahil sa dengue ay patunay na may magandang resultang maidudulot ang pagtutulungan ng pamahalaang lungsod at ng mga mamamayan,” sabi ni Mayor Lani Cayetano

Batay din sa ulat ng CHO, isa lamang ang namatay dahil sa dengue noong  nakaraang taon kumpara sa pitong kaso na naireport noong 2012.

Ayon kay Dr. Isaias Ramos­, officer-in-charge ng CHO, ang buong taong pag-aksyon laban sa dengue ang dahilan kaya’t nangalahati ang bilang ng kaso ng dengue.

 â€œNagsagawa kami ng mga “misting operation” sa 28 barangay. Nagkaroon din ng mga de-clogging at mga clean-up drive upang mabawasan ang pagdami ng lamok,” sabi niya.

Karamihan sa mga na­italang kaso ay mga batang edad limang taon, pataas.

Ang buwan ng Setyembre ang may pinakamaraming naireport na kaso kung saan 197 ang naitala. Patuloy naman itong bumaba ng mga sumunod na buwan at noong Disyembre,  dalawa katao lamang ang nakumpirmang may dengue.

Samantala, sa 690 naitalang kaso, 178 lamang ang “confirmed” habang 100 naman ang “probable”  at 412 ang “suspected” dengue cases.

Show comments