^

Metro

Head security ng hotel itinumba

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang head security ng  isang hotel nang barilin ng hindi nakilalang salarin habang naka-duty sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Junar Ladiao, head security sa Emperor Kingdom Hotel at residente ng   Makata St., Sta. Cruz, Maynila sanhi ng  tatlong tama ng bala sa ulo.

Patuloy pa ang imbestigasyon hinggil sa motibo at pagkakakilanlan sa suspek  na inilarawan  batay sa kuha ng closed circuit television (CCTV) ng hote­l na armado ng kalibre .45, nakasuot ng itim  na jacket, t-shirt na puti ang panloob, nakasuot ng bull cap, maong na pantalon at sandals.

Sa ulat ni SPO1 Crispino Ocampo ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-8:39 ng gabi nang maganap ang insi­dente sa back entrance ng Emperor Kingdon Hotel  na matatagpuan sa Florentino Torres St.,  Sta. Cruz, Manila.

Pahayag sa awtoridad ng isa pang security guard na si Philip Fabilion, inutusan siya ng biktima na bumili ng energy drink sa kalapit na convenience store  at habang bumibili ay nakarinig ito ng putok ng baril kaya ito bumalik sa nasabing hotel. Doon bumulaga sa kaniya ang nakabulagtang biktima.

Sa nakitang footages sa CCTV ng hotel,  nakitang  dumating ang suspek galing sa Florentino St., at lumapit ito sa biktima at walang sabi-sabing pinaputukan ito ng baril nang malapitan ng walong ulit bagamat 3 lamang umano ang tumama sa biktima.

May impormasyon din ang mga awtoridad na marami ang nakakagalit ng biktima dahil istrikto ito lalo na sa mga tauhan na kapwa guwardiya.

vuukle comment

CRISPINO OCAMPO

CRUZ

EMPEROR KINGDOM HOTEL

EMPEROR KINGDON HOTEL

FLORENTINO ST.

FLORENTINO TORRES ST.

JUNAR LADIAO

MAKATA ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with