Lalaki tumalon mula sa LRT

MANILA, Philippines - Matinding depresyon ang naging dahilan ng isang lalaki upang tumalon sa walkway ng Light Rail Transit (LRT) sa Pasay ngayong Huwebes.

Ayon sa ulat ng DZMM, bandang alas-8 ng umaga tumalon ang 25-anyos na si Rommel Hubes.

Masuwerteng hindi napuruhan si Hubes na nagtamo lamang ng bali sa kanang paa at sugat sa ulo.

Ayon sa kanyang ina na si Ludy Borriones, patungo sana sila ng Pasay City General Hospital nang mangyari ang insidente.

Dagdag niya na ilang araw na ring hindi makatulog ang anak sa kaiisip ng problema partikular sa pagpapalayas sa kanila sa tinitirahang bahay.

Show comments