MANILA, Philippines - Inside job.
Ito ang tinitingnan ng Quezon City Police District (QCPD) na isa sa hiniÂhinalang ugat ng panloloob sa isang jewelry shops sa CubaoÂ, kamakalawa ng umagaÂ.
Ayon kay QCPD director Chief Supt. Richard Albano, posible anyang may kaÂsabwat ang mga suspek sa loob ng shop dahil base sa nakita nila, hindi umano gaanong bihasa ang mga suspek sa kanilang ginawa.
Maaalalang pinasok ng apat suspek ang First Allied Emporium Jewelry Inc., na matatagpuan sa kahabaan ng Gen. Roxas, Araneta Center, Cubao, nitong Lunes ng alas- 9:45 ng umaga.
Sinabayan ng mga suspek ang pagpasok ng mga emÂpleyado ng jewelry shop, saka nagdeklara ng holdap at pinagbabasag ang display case ng mga alahas saka tinangay ang mga ito.
“Base sa imbestigasyon, hindi ito linya ng mga suspek, kasi base sa profilling naten, magkakamukha dapat ang modus ng mga beteranong holdaper, pero ang mga ito ay parang tumetesting at hindi gaanong bihasa,†sabi ni AlbanoÂ.
Giit ng opisyal, mas malaki anya ang maitutulong sa kaso kung ang CCTV caÂmera na nasa loob ng establisimento ay nakabukas dahil dito ay mapapadali anya ang pagÂtukoy sa mga suspek.
Ayon kay Albano, maÂtagal nang ordinansa ng city hall ang paglalagay ng CCTV camera sa mga gusali, at may task force umano silang nag-iikot dito sa mga pawnshop o banko, pero sa kaso ng jewelry store, ayaw umano nitong magpalagay dahil naiilang daw ang kanilang mga kostumer.