MANILA, Philippines - Umabot sa 16 na vendors ang inaresto ng mga tauhan ng Manila City Hall-Manila Action and Special Assignment (MASA) na nagbebenta ng mga sex toys at gadgets sa Rizal Avenue sa Sta. Cruz, Manila kahapon.
Sa utos ni Manila Mayor Joseph Estrada, sinalakay ng mga tauhan ni Chief Insp. Bernabe Irinco Jr., hepe ng MASA ang kahabaan ng Rizal Avenue sa Sta. Cruz at Gonzalo Puyat St., sa Quiapo, sa Maynila alas-9 ng umaga.
Pinangunahan ni Sr. Insp. Ness Vargas, deputy chief ng MASA, ang pagsalakay at pag-aresto sa 16 na vendors na pawang sa gitna ng daan nagtitinda ng sex toys at gadgets na sinaÂsabing nakaÂkasagabal sa daloy ng trapiko at nakakaÂabala sa mga naglalakad sa kalye.
Ayon kay Vargas, walang mga kaukulang permit para makapagtinda sa Sta. Cruz at Quiapo ang mga inaÂrestong vendors kung kaya’t sasampahan sila ng kasong obstruction sa piskalya.
Matapos ang operasyon laban sa mga nagtitinda sa daan, limang video karera machines naman ang nakumpiska ng mga tauhan ng MASA sa pangunguna pa rin ni Vargas sa kahabaan ng Elias at Blumentritt Sts. Sa Sta. Cruz, Manila.
Sinalakay nina Vargas ang nasabing lugar base sa reklamo ng mga residente kaugnay sa laganap na pagkalulong ng mga kabataan sa iligal na sugal.