^

Metro

School na cybersex den ni-raid

Doris Franche-Borja at Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinalakay ng mga tauhan ng  National Bureau of Investigation (NBI) ang isang  elementary at high school na sinasabing ginagamit na cyber­sex den na nagbebenta ng mga pornographic ma­terials sa Muntinlupa City.

Walong lalaki ang nasa­kote sa loob ng dalawang klasrum ng Mountaintop Christian Academy sa Vic­toria Homes Subd., Barangay Tunasan, Muntinlupa City.

Nasamsam naman ang 62 yunit ng computer na ginagamit sa pagbebenta ng mga pornographic site at child pornography habang ilang piraso ng USB flash disk o internal drive na naglalaman ng mga materyales na inilalagay ng mga suspek sa Internet.

Nabatid na nagpapanggap na mga babae ang mga suspek na nakikipag-chat sa mga kliyente kung saan sila rin ang sinasabing nagbibigay ng mga pre-recorded video na naglalaman ng mga babaeng walang saplot matapos na magbayad ang mga kostumer.

Ayon sa may-ari ng eskuwelahan na si Purisima Martinez,  hindi niya alam na ginagamit na cybersex den ang dalawang room na kanyang pinarentahan sa mga nasabing lalaki bawat buwan. 

Hindi rin niya binibisita o pinapasok ang dalawang unit kaya hindi niya alam kung ano ang ginagawa ng mga occupant subalit umamin ang school owner na na­ikuwento sa kanya ng isa sa mga occupan­t na sila ay naki­ki­pag-chat.

Napag-alamang walang permiso na mag-operate ang nasabing school dahil pinawalang-bisa na ng Department of Education ang lisensiya nito noong pang 2006 subalit ayon kay Purisima may permit umano siya mula sa DepEd.

Ayon kay Atty. Ronald Aguto, hepe ng National Bureau of Investigation Anti-Cyber Crimes Division, ang operasyon ay kasabay ng raid sa Quezon City kama­kalawa ng gabi kung saan aabot sa 29-katao ang ina­resto.

AYON

BARANGAY TUNASAN

DEPARTMENT OF EDUCATION

HOMES SUBD

MOUNTAINTOP CHRISTIAN ACADEMY

MUNTINLUPA CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with