MANILA, Philippines - Tatlong kalalakihang nakamotorsiklo na sinaÂsabing notoryus na holdaÂper ang napatay makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng Manila Police District at Western Criminal Investigation and Detection Unit sa bahagi ng Quiapo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.
Kasalukuyang binebeÂriÂpika ang pagkakakilanlan ng tatlo na nasa 30 hanggang 35-anyos na pawang nakaÂsuot ng t-shirt, shortpants, naka-bullcap, may sling bag na itim, at naka-tsinelas.
Sa ulat ni PO2 Michael Maraggun, ng MPD-Homicide Section, naganap ang insidente sa underpass ng Quezon Blvd. sa nasabing lugar bandang alas-2 ng madaling-araw.
Nabatid na natiyempuhan lamang ng pulisya ang tatlo dahil ang tunay na pakay ay ang pagsisilbi ng warrant of arrest laban kina Gerald “Jekjek†Li at Krist John Pineda na may kasong murder sa Manila Regional Trial Court Branch 5.
Nabatid na ang grupo ni SPO3 Rowell Robles ng MPD-Station 3 ay kasama ng mga miyembro ng Western CIDG sa pamumuno ni SPO4 Rosauro Almonte bilang back-up sa pagdakip sa mga suspek na may warrant of arrest.
Lulan ang dalawang grupo ng Toyota Corolla (TPG 944) at patrol car 3308 nang paputukan sila ng tatlong naka-motorsiklo pagsapit sa Lope de Vega St., Sta. Cruz kung saan tinaÂmaan ang dalawang sasakyan.
Nauwi sa habulan at putukan hanggang sa bumulagta ang tatlo.
Hindi akalain ng mga pulis na nakapangholdap ang tatlo kaya naghinala ang mga ito at pinutukan ang patrol car na inakalang sila ang aarestuhin.
Positibo namang kinilala ang tatlo ng kanilang mga biktimang sina Christine Lagman, 26, call center agent, ng Tondo, Manila at Edlen Lanao, 34, vendor, ng Sta. Cruz, Maynila.
Ang mga biktima ay hinoldap sa bahagi ng Andalucia St., Sta. Cruz kung saan natangay kay Lagman ang gintong relos at P1,800 cash habang wristwatch naman at P7,000 cash kay Lanao.
Narekober sa mga napatay ang tatlong baril, motorsiklo na may plakang 2239-TB, ang mga gamit at cash ng mga biktima.