MANILA, Philippines - Pinaligiran umano ng mga ‘goons’ ang bahay ni Atty. Joel Estrada sa Maynila kung kaya’t binitiwan nito ang kanyang hawak na kaso kaugnay ng ‘gift bomb’.
Ito naman ang naging pahayag ng negosyanteng si Manny Padilla, na nagÂsampa ng kaso laban sa mag-inang Arlene at Arnold Padilla na suspect sa paÂmaÂmaslang kay Yvonne PaÂdilla-Chua. Si Chua ay anak ni Arlene at kapatid ni Arnold.
Ayon kay Manny, hindi siya nagtataka kung bakit nagwidro si Atty. Estrada. Aniya, buhay na nito ang nakataya kung kaya’t naiintindihan niya kung ito man ang desisyon nito.
Nabatid na submitted na for resolution ang kaso suÂbalit hindi na sumipot si Estrada sa Department of Justice para sa preliminary hearing.
Nakasaad naman sa sulat ni Atty. Estrada sa piskalya na ang kanyang pagwithdraw sa kaso ay ‘purely professional’.
Inaasahan namang magÂÂlalabas ng resolusyon ang piskalya sa loob ng tatlong buwan hinggil sa kaso upang malaman kung idiÂdismis o iaakyat sa korte.