Call center agent lumundag mula sa 18th flr. ng condo

MANILA, Philippines - Nalasog  ang katawan ng isang call center agent matapos itong tumalon mula sa 18th floor ng  condominium kahapon ng umaga­ sa Makati City.
         

Habang sinusulat ang balitang ito ay inaalam pa ng pulisya ang pagka­kakilanlan ng biktima na sinasabing alyas Aser ng Room 1807 sa 18th floor ng Western­ Ayala Tower sa Urban Avenue, Barangay Pio del Pilar sa nasabing lungsod.
         

Sa inisyal na imbestigasyon ni SP01 Rico Caramat, naganap ang insidente bandang alas-10:41 ng umaga.

Nabatid na nakatanggap ng report ang himpilan ng pulisya na may lalaking tumalon mula sa nabanggit na gusali.

Sa ilang impormasyong nakalap ng pulisya, ang biktima ay pinaniniwalaang Tsino at nagtatrabaho bilang call center agent sa nasabing gusali.

 

Show comments