Kemikal, equipment sa paggawa ng shabu nasamsam sa bus terminal

Iniinspeksyon ni QCPD director Chief Supt. Richard Albano ang mga nasamsam na kemikal at mga kagamitan sa paggawa ng shabu na natuklasan sa isang bus terminal sa Cubao. (Kuha ni Boy Santos)

MANILA, Philippines - Nakumpiska ng mga ele­mento  ng Quezon City police ang iba’t  ibang uri ng kemikal at kagamitan sa paggawa ng shabu sa naturang lungsod.

Ayon kay  P/Supt. Ramon Pranada, hepe ng QCPD-Station 7 ganap na ala-1:30 ng hapon, nakatanggap sila ng tawag mula sa mga pasahero sa Araneta Center Bus Terminal Cubao at inireklamo ang mabahong amoy ng mga kemikal mula sa mga kahon na dadalhin sana sa Masbate.

Mabilis naman na rumes­ponde ang mga ope­ratiba sa naturang bus terminal at doon nadiskubre nila ang mga naiwan na kahun-kahon ng mga kemikal at kagamitan na gamit sa paggawa ng shabu mismo sa terminal sa Isarog Bus Transit.

Ayon sa ulat, dadalhin sana ang mga kemikal at ang mga gamit sa  Masbate­.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya.

Show comments