MANILA, Philippines - Nalalagay sa balag ng alanganin ang dalawang kumpanyang lumahok sa P1.76 bilyong LRT-MRT common ticketing system project matapos mabulgar na pareho silang diskwalipikado batay sa bidding rules ng Department of Transportation and Communication (DOTC).
Sa panayam kay Atty. Oliver San Antonio, tagaÂpagsalita ng Coalition of Filipino Consumers (CFC), malinaw aniya sa General Bid bulletin na pinalabas mismong DOTC Bids and Awards Committee (BAC) noong Hunyo 2013 na diskwalipikado sa bidding ang isang kumpanyang mayroong 50% outstanding voting shares sa concession ng LRT 1, LRT 2, MRT 3 o anuÂmang proyektong may kinalaman sa pagpapagawa ng railways o kaya’y nagmamay-ari ng anumang transport services sa Pilipinas.
Nakapagtataka aniya na pinayagan pa rin ng DOTC ang nasabing consortium sa kabila ng katotohanang mayroong conflict of interests ang mga ito sa proyekto. Ang mananalong bidder sa LRT-MRT common ticketing system ay hindi maaaaring operator din ng MRT 3 o ng LRT o ng anumang railway system.
Sa ilalim aniya ng bidding rules, hindi maaaring iisang kumpanya lamang ang operator ng train at ng payment system. Hindi pinahihintulutan ng batas na walang check and balance sa dalawa.
Malinaw na panggigisa ito sa sariling mantika ng mga Filipino commuters na tiyak na namang magiging biktima sa kalaunan ng mataas na pamasahe sa MRT at LRT sa sandaling iisang kumpanya na lamang ang magmamando sa MRT3 at LRT.