MANILA, Philippines - Patay ang isang 51-anyos na lalaki matapos magbigti sa loob ng kanyang kuwarto sa Navotas City kamakalawa ng gabi.
Dead on arrival sa Pagamutang Bayan ng MaÂlabon ang biktimang si Remio Peralta, ng PS-A2, Brgy. NBBS ng nasabing lungsod.
Base sa imbestigasyon ni SP01 Noli Dait, ng Navotas City Police, alas-8:05 ng gabi nang makita ng kanyang anak na lalaki ang biktima na nakabigti sa loob ng kuwarto nito.
Agad na kinalas sa pagkakabigti ang biktima at dali-daling dinala sa nasabing pagamutan, subalit hindi na ito umabot ng buhay.
Masusing iniimbestigahan pa ng pulisya ang dahilan kung bakit nagpakamatay ang naturang biktima.