Rollback sa presyo ng petrolyo, ipinatupad

MANILA, Philippines - Epektibo ngayong umaga ay magpapatupad ng rollback sa ka­nilang produktong pe­trolyo ang ilang kom­panya ng langis.

Sa ipinadalang text advisory ng Petron Cor­poration, epektibo ngayong alas-12:01 ng madaling-araw ipatutu­pad ang 50 sentimos rollback sa  kada litro  unleaded at premium gasoline, 25 sentimos naman sa kada litro ng kerosene at 20 sentimos ang ibababa sa turbo at diesel max.

Nag-abiso na rin ng kaparehas na pagta­tap­­yas ang Pilipinas Shell at SeaOil epek­tibo ala-1:00 ng madaling-araw ngayon.

Sa kanilang magkahiwalay na mensahe sa text, sinabi nina Petron Strategic Communications Manager Raffy Ledesma at Ina Soriano ng Pilipinas Shell na ang pagpapatupad nila ng rollback ay batay sa paggalaw ng presyo ng langis sa pandaig­digang pamilihan.

Hindi pa naman nag-aanunsiyo ng kanilang pagbabawas sa presyo ng kanilang produkto ang ilang mga kom­panya ng langis bagama’t inaasahan na susunod na rin sila sa pagtatapyas ng halaga ng kanilang produkto ngayong araw.

 

Show comments