Cayetano, Villafuerte nagsanib kontra ‘5-6’?

MANILA, Philippines - Mas palalakasin pa ni Governor Migz Villafuerte, sa tulong ni dating Gobernador LRay Villafuerte ang nasimulang microfinancing program na isinusulong ni Sen. Alan Peter Cayetano upang sagipin ang karaniwang mamamayan na umaasa sa pangungutang.

Ayon kay dating Gov. LRay, malaki ang maitutulong sa mga maliliit na negosyante ng programang microfinancing ni Cayetano dahil nagbibigay ito ng kapital na wala nang mga requirements at nilalabanan ang pagkalat ng ‘5-6’ na siyang nagpapahirap sa mga negosyante dahil sa malaking interes. 
Ang ‘ptk’ o presyo, trabaho at kita program ay magpapautang ng puhunan sa mga maliliit na negosyante na may maliit na interes na palalaguin upang makatulong na umahon sa kahirapan ang mga small and medium enterprenuer sa ilalim ng programa ni Cayetano.

Layunin din ng senador na tapusin na ang pagpapahirap ng proyektong 5-6 sa mga maliliit na negosyante dahil hindi umano sila napapalago nito bagkus ay lalo pang nababaon sa utang na hindi tulad ng micro­finan­cing program na makakautang ang isang negosyante na may 3% interes lamang for 50-days na magbibi­gay ng kaluwagan sa pangkabuhayan ng bawat pamilya.
 Naglaan din ng P2.5-million si Cayetano para sa microfinancing program kasabay ng pagdaragdag ng P200,000 para sa kooperatiba at asosasyon na mag­papautang sa mga maliliit na negosyante ng Naga City peoples mall.
 Naglaan din ng P100,000 dagdag pondo sina Gov. Migz at LRay bilang tulong pangkabuhayan sa mga maliliit na negosyante.

 

Show comments