Sekyu dinedo ng kapwa sekyu

MANILA, Philippines - Utas ang isang guwardya habang sugatan ang isang pahinante nang pagbabarilin ng isa ring sekyu makaraang maghinala ang huli na sinisiraan siya ng mga  biktima  sa Caloocan City, kahapon ng umaga.

Dead-on-the-spot sanhi ng tama ng bala sa ulo ang guwardiyang si Saturnino Barcenal Jr., ng New Manila, Quezon City.

Ginagamot naman sa Manila Central University (MCU) Hospital sanhi ng tama ng bala sa katawan si alyas Jonathan.

Sumuko naman sa mga pulis si Roy Padayanan, 36, ng Ponce St., Bagong Barrio­ ng  naturang lungsod­.

Sa ulat ng Caloocan City Police, alas-10:15 ng uma­ga, nakatayo ang nasawi sa parking area ng Aqua Sweet Mineral Water sa M.H. Del Pilar St., sa pagitan ng 8th at 9th Avenue­ ng naturang  lungsod nang la­pitan at putukan ng suspek.

Naglakad papalayo ang suspek at nang madaanan si Jonathan ay pinutukan din bago sumuko sa mga pulis.

Lumalabas na pinaghihinalaan ng suspek na sinisiraan siya ng mga biktima sa mga kasamahang babae na naging dahilan upang magalit at barilin ang mga ito.

 

Show comments