MANILA, Philippines - Binaril nang malapitan sa sentido ang isang 27-anyos na tambay na tumagos sa likurang bahagi ng ulo na kagyat na ikinasawi nito sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Dead-on-the-spot ang biktimang kinilalang si Francis Bautista, binata, residente ng Jacinto St., Tondo, na natagpuang nakasubsob pa sa isang palikuran.
Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang isang basyo ng bala mula sa kalibre .45 baril na pinaÂniniwalaang ginamit ng tumakas na suspek.
Sa ulat ni SPO1 CrisÂpino Ocampo ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-6:20 ng gabi nang makarinig ng isang malakas na putok ng baril sa harapan ng isang pampublikong palikuran sa Building 4 Temporary Housing, Smokey Mountain, Tondo ng Brgy. 105 Zone 8.
Posibleng ang biktima na dumayo sa lugar ay pinaghinalaang police asset kaya binaril ng mga galamay ng mga ‘tulak’ sa droga sa naturang lugar.
Ang labi ng biktima ay inilagak sa Nathan Funeral Morgue, habang patuloy pa ang isinasagawang imÂbestigasyon.