P550-M pekeng produkto nasamsam

Pinangunahan ni Customs Commissioner John Sevilla ang pagsalakay sa may 56 warehouse sa Pasay City kung saan nasamsam ang may P550-M halaga ng mga pekeng produkto. (Kuha ni Edd Gumban)

MANILA, Philippines - Aabot sa humigit kumulang sa  P550 milyong halaga ng mga pekeng produkto ang nakumpiska nang pinagsanib na puwersa ng National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Customs sa magkakahiwalay na raid na isinagawa kahapon ng umaga sa Maynila, Pasay at Parañaque.

Base sa report, alas-5:00 ng umaga  sinalakay ng operatiba  ang anim na palapag na gusali o bodega, na matatagpuan sa Baclaran, Brgy. 77, Pasay City, na nag­lalaman ito ng mga pekeng baby shampoo, baby wipes, sapatos, tsinelas.

Ang naturang operasyon ay isinagawa ng pinagsanib  na puwersa ng NBI, Pasay City Police, Bureau  of Customs  at  Intellectual Property Rights Division.

Base sa report, mahigit isang buwan minanmanan ang naturang bodega na isa sa mga pangunahing nagsu-supply ng naturang  mga pekeng produkto  na inilalako sa Baclaran.
 Tanging  ang naabutan ng mga  awtoridad sa naturang bodega na pag-aari ng isang Chinese national  na gumagamit ng iba’t ibang pangalan ay ang mga guwardiyang naka-duty dito. Puno aniya ng mga kahon ng pekeng prudukto ang ikalawa hanggang ika-anim na palapag ng bodega habang may maliit na opisina sa unang palapag ng gusali na puno ng mga closed circuit television (CCTV) camera.

Napag-alaman na  posibleng galing sa China ang mga produkto lalo’t may Chinese characters ang mga kahon nito.

Show comments