^

Metro

Opisyal ng TODA itinumba

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang opisyal ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) makaraang pagbabarilin ng riding in tandem  sa kanilang terminal sa lungsod Quezon, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Jimmy Bucanes, alyas Cobra, 47, ng MCP homeowners Asso­ciation, Pingkian 1, Central, Pasong Tamo sa lungsod. Si Bucanes ay auditor ng Luzon Tricycle Operators Drivers Association QC chapter.

Ayon kay PO2 Anthony Te­jerero, natukoy ang isa sa mga suspek sa alyas na Samsudin, kasama ang isa pa na ngayon ay tinutugis na ng mga awtoridad.

Hinala ng pulisya, may kinalaman sa pagiging opisyales ng biktima o agawan sa posisyon ang pamamaslang dito.

Bukod pa dito, ang mahigpit na pamamalakad umano ng biktima sa kanilang samahan  simula ng manalo sa halalan ay isa pa rin sa posibleng dahilan sa krimen. Naghigpit umano ito sa mga bumibiyahe sa lugar na walang lisensya.

Sa imbestigasyon, nangyari ang insidente sa mismong terminal ng Luzon TODA na matatagpuan sa Luzon Ave­nue, Brgy. Old Balara, ganap na alas- 8:45 ng gabi.

Ayon kay Nelson Billones­, isa rin sa opisyales ng asosas­yon, nakikipag-usap siya sa isa nilang miyembro nang makarinig siya ng mga putok ng baril mula sa terminal.

Sabi ni Billones, matagal na silang nakakatanggap ng death threat simula ng ma­nalo sila bilang opisyales ng asosasyon, pero binabalewala lamang nila ito.

 

ANTHONY TE

AYON

DRIVERS ASSOCIATION

JIMMY BUCANES

LUZON AVE

NELSON BILLONES

OLD BALARA

PASONG TAMO

SI BUCANES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with