MANILA, Philippines - Tatlo katao ang nasawi sa sunog na naganap kamakalawa ng hapon sa Tondo, Maynila.
Kinilala ang mga biktima na sina Gloria Calma, 76; kapatid nitong si Corazon, 72; at pamangÂking si Rochelle Agarin, 37, ng 537-A, Francisco St., Tondo, Maynila.
Ayon kay arson investigator, SFO3 John Joseph Jalique, ng Manila Fire Department, ala-1:20 ng hapon nagsimula ang sunog sa bahay ng mga biktima na umabot ng ikatlong alarma.
Ang sunog at naÂapula dakong alas-2:20 ng hapon.
Sinabi ni Jalique, nakita ang wala nang buhay na katawan ng mga biktima na magkakapatong sa loob ng comfort room sa nasabing bahay na pag-aari umano ng isang Raul Baltazar.
Hindi pa rin umano nila matukoy ang sanhi ng sunog na umano ay nagsimula sa unang palapag ng nasabing bahay.
Apektado sa sunog ang sampung pamilya. Tinatayang kalahating milÂyong piso ari-arian naman ang naabo.