RCCG City of David medical mission

MANILA, Philippines - Ilulunsad ng RCCG City of David Bacoor Cavite Parish ang community care program na “We Love Leyte” ang magkasunod na proyektong Medical Mission at Isang Gabi ng Pag-asa sa Sitio San Isidro, mga Ba­rangay Can Asi at Candadam sa bayan ng  Baybay, Leyte na gaganapin ngayong umaga at sa Miyerkules.

Ito ay sa pakikipagtulungan ng Christian Love Gifts sa pangunguna ng mag-asawang Bill at Vail Trester.

Ang nasabing medical mission ay sinuportahan naman ng mga opisyal sa pangu­nguna nina Barangay Chairman Gilbert Ortega at Chairwoman Margarita Cari at tulong mula sa RCCG City of David­ Jakarta, Indonesia.

 

Show comments