8 miyembro ng roberry gang timbog sa Maynila

MANILA, Philippines - Walong kataong hinihinalang miyemro ng robbery syndicate ang nasakote ng mga awtoridad sa Maynila ngayong madaling araw ng Martes.

Nilusob ng Mandaluyong City police ang kuta ng mga suspek sa kalye ng Sta. Maria sa Sta. Ana, Maynila sa bisa ng arrest warrant.

Hinihinalang mga miyembro ng Anovar-Abraham robbery ring ang mga suspek na nasa likod ng pangho-holdap sa mga bus at mga iba't ibang tindahan sa Metro Manila.

Natunton din ng mga pulis ang safehouse ng grupo matapos kumanta ang isang miyembro ng sindikato.

Bukod sa pagkakadakip sa sindikato, nahuli pa sa aktong tumitira ng ipinagbabawal na droga ang mga suspek kabilang ang live in partner ng pinunong si Bernando Mallari.

Itinanggi ni Rosario Domingo na kabilang siya sa operasyon ng grupo, habang nakatakas naman ang kanyang partner na si Mallari.

Nasabat sa kuta ng grupo ang iba't ibang baril, granada, mga bala, cellphone at isang motorsiklo.

Show comments