2 remnants ng ‘Sanaya group’, arestado

MANILA, Philippines - Tatlo ang sugatan, ka­bilang ang isang pulis, isang miyembro umano ng notor­yus na ‘Sanaya robbery gang’ at isang sibilyan nang magkaroon ng engkwentro sa pagitan ng mga ito sa Parola­ Compound, Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Nakapiit naman  sa Manila Police District-Station 2 ang suspek na si Edward Pamiruyan, 31, residente ng Gate 15 Parola Compound, sa Tondo habang ang isa pang suspek na si Marvin Mendano, 21, ay sinasabing malubha ang kalaga­yan sa pagamutan dahil sa tinamong bala sa katawan.

Kasalukuyang ginagamot din sa Chinese Ge­ne­ral Hospital si PO1 Anthony Qui­lantang ng MPD-station­ 2, Delpan. Nilalapatan din ng lunas sa Jose Reyes Memorial Medical Center­ (JRMMC) matapos tamaan ng bala ang isang William Buco Adornado  na sinasabing volunteer aide.

Sa ulat ni P/Sr. Insp. John Guiagui, commander ng Del­­pan PCP rumesponde umano sila nang makatang­gap ng tawag sa telepono dakong alas-6:00 ng gabi kamakalawa na may mga armadong lalaki na gu­­ma­gala sa Parola Compound.

Tinungo ng grupo ni Guia­­gui ang lugar at habang paparating ay sinalubong na umano sila ng mga putok hanggang sa ma­pilitan silang gumanti.

Nabatid na ang dalawa ay miyembro ng grupong Sanaya, na ang lider uma­nong si Norvie Sandag ay naaresto kamakailan.

Umamin naman si Pa­miruyan na nakulong na siya sa robbery case.

Show comments