Sari-sari store owner wagi ng P155.4-M sa Grand Lotto

MANILA, Philippines – Isang sari-sari store owner na taga-Muntinlupa City ang kumubra ngayong Huwebes ng P155.4 milyong jackpot prize ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Grand Lotto 6/55.

Sa halagang P60 ay tinamaan ng nag-iisang winner ang winning combination na 02-03-08-19-32-83 nang bolahin ito noong Lunes.

Sinabi ni PCSO General Manager Jose Ferdinand Rojas II na apat na taon nang tumataya sa lotto ang sari-sari store owner na ginagamit ang edad nang kanyang ama at kaarawan niya.

Dagdag niya na planong bumili ng bahay ng lotto winner at gawing grocery store ang maliit na tindahan.

"Kami po ay nagagalak na nakubra na ang ating Grand Prize jackpot winner ang 6/55 jackpot amount na P155.4-M. Kaya't tuloy-tuloy po tayo sa pag tangkilik sa produkto ng PCSO. Sa bawat piso na inaalay ninyo sa amin, marami po tayong natutulungan mula Luzon, Visayas Mindanao. Nakatulong na kayo, Nanalo pa kayo," pahayag ni Rojas.

Nagsimula sa P30 milyon ang premyo noong Nobyembre 16, 2013 hanggang sa lumaki ito dahil sa walang tumatama.

Show comments