Kelot binistay ng bala, dedo
MANILA, Philippines - Utas ang isang binata makaraang pagbabarilin ng dalawang armadong kalalakihan sa harap ng isang tindahan ng spare parts sa may lungsod Quezon, iniulat kahapon.
Si Aristopher Domingo, 24, ay agad na nasawi sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan, ayon kay SPO1 Eric Lazo.
Nangyari ang insidente sa harap ng RRY motorÂcycle part store na mataÂtagpuan sa Adaria St., Brgy. Commonwealth, ganap na alas-4:50 ng hapon.
Ayon kay Analee LiÂpana, may-ari ng tindahan, busy siya sa pag-aasikaso sa kanilang mga kostumer nang makarinig siya ng mga putok ng baril mula sa labas.
Nang kanyang tignan ay saka bumulaga sa kanyang harapan ang duguang katawan ng biktima habang nakahandusay dito.
Agad na ipinagbigay alam ng mga residente ang insidente sa barangay na siya namang tumawag ng awtoridad para sa imbesÂtigasyon.
Ayon sa mga residente, posibleng may kinalaman sa iligal na droga ang ugat ng pamamaril sa biktima, bagay na iniimbestigahan ngayon ng awtoridad.
Nagtamo naman ang biktima nang mga tama ng bala sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan.
- Latest