Mabigat na trapik sa Sta. Mesa sa Sabado, asahan

MANILA, Philippines - Dapat nang asahan ng  publiko ang mabigat na daloy ng  sasakyan sa Sabado.

Ito naman ang paalala  ng pamunuan ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa publiko at mga motorista kaugnay ito sa gaganaping college entrance examination para sa mga unang batch ng examinees sa Sabado mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Sinabi ni Dr. Ruby Gapasin, director ng PUP Communications Management Officer, na aabot sa 22,000 estudyante ang nakatakdang kumuha  ng exam sa Sa­bado.  Napag-alaman na ang su­sunod na batch naman ay gaganapin sa February 15.

Pinapayuhan rin ang pub­liko na umiwas muna sa Sta. Mesa sa mga nasabing petsa.

Nakikipag-ugnayan na umano ang PUP sa Manila Traffic Unit para sa deployment ng mga enforcer.

Taun-taon ay umaabot sa 50,000 estudyante ang ku­mukuha ng pagsusulit sa PUP, ang pinakamalaking state university sa bansa, subalit nasa 8,000 lamang tinatanggap o nakapapasa.

 

Show comments