Brgy. kagawad patay sa tandem

MANILA, Philippines - Isang barangay kagawad ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng riding in tandem­ kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Dead on the spot ang biktimang si Carlito Clariza, 54, kagawad ng Brgy. 184 Zone 19 Maricaban ng natu­rang lunsod sanhi ng tinamong tama ng bala buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril sa ulo.

Ayon kay SP03 Allan Valdez, ng Pasay City Police, naganap ang insidente alas-6:45 ng gabi sa panu­lukan ng Saint Peter at Saint Francis Sts., sa naturang lungsod habang nakatayo at nanonood ng karera ng kabayo sa harap ng isang off track betting station ang biktima nang pumarada sa kanyang tagiliran ang isang motorsiklo lulan ang dalawang suspects.

Isa sa mga suspect ang bumunot ng baril at kaagad na pinaputukan ng malapitan ang biktima sa ulo na na­ging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang krimen ay mabilis na tumakas patu­ngong Andrew Avenue ang mga suspect.

Blangko pa ang pulisya sa motibo sa insidente.

Show comments