MANILA, Philippines - Patay ang isang 61-anyos na biyudang negosÂyante nang barilin ito ng kanÂyang live-in partner dahil sa selos habang sugatan naman ang isang manikurista na tiÂnamaan ng ligaw na bala kamakalawa sa Caloocan City.
Dead on arrival sa Valenzuela General Hospital sanhi ng mga tama ng bala ng kalibre .45 baril sa katawan ang biktimang si Julie Bobis, ng Libis Baesa St., Brgy. 160 ng nasabing lungsod.
Ginagamot naman sa CaÂloocan Medical Center sanhi ng tama ng bala sa kanang paa si Anna Castillano, 40, na ka-lugar ng nasawi.
Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na si Jesus Aguirue, 50, ng Ruby Ville Subdivision, Santa QueÂteria ng naturang lungsod.
Ayon sa report ng Station Investigation Division (SID), Caloocan City Police, naganap ang insidente alas-2:00 ng hapon sa loob ng bahay ni Bobis sa nabanggit na lugar makaraang magkaroon ng mainitang pagtatalo si Bobis at ang live-in partner nitong si Aguirue dahil nagselos ang lalaki at pinaghihinalaan nitong may ibang lalaki ang una.
Sa gitna ng mainitang pagtatalo ay bigla na lamang binunot ng suspek ang dalang baril at pinagbabaril ang biktima hanggang sa tinamaan ng ligaw na bala si Castillano na kumakain naman sa isang karinderya na malapit sa pinangyarihan ng insidente.
Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspek at ang mga biktima naman ay mabilis na dinala sa nabanggit na mga pagaÂmutan, subalit si Bobis ay hindi na nakarating ng buhayÂ.