3 ‘tulak’ tiklo ng PDEA

MANILA, Philippines - Nalambat ng mga ope­ratiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tatlong drug pushers ma­tapos makuhanan ng may 50 gramo ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Pasig City, iniulat kahapon.

Kinilala ni PDEA Director­ General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang mga nadakip na suspek na sina Edsel Baisa, alyas Ed, 40; Liza Marie Bautista, 22; kapwa taga Pasig City; at Ed­gardo Esquivel Jr., 30, ng Taguig City.

Ayon kay Cacdac, nasa­kote ang mga suspect ng tropa ng PDEA Regional Office-National Capital Region (PDEA RO-NCR) sa pamumuno ni Atty. Jacquelyn De Guzman, makaraan ang isang buy-bust operation sa kahabaan ng West Bank Road Floodway, Rosario, Pasig City, ganap na alas-7 ng gabi.

Apat na sachet ng shabu na tumitimbang ng humigit-ku­mulang sa 50 gramo ang nasamsam sa mga nadakip.

Sabi pa ni Cacdac, si Baisa­, na tinawag ding “Dolphy Baiza”, ay kabilang sa mga personalidad na nasa watchlist ng PDEA sa National Capital Region (NCR).

Kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), in relation to Section 26 (Conspiracy to Sell), at Section 12 (Possession of Drug Paraphernalia), Article II ng Republic Act 9165, o ang tinaguriang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ang isasampa laban sa mga suspek.

 

Show comments