MANILA, Philippines - Arestado na ang suspect na humalay at pumatay sa isang 6-anyos na batang babae sa isinagawang follow-up operation sa Pandacan, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Sa inilunsad na “Oplan Pink Angel†na binuo ng Manila Police District-Station 10 sa pamuÂmuno ni Supt. Alfredo Opriasa at MPD-Homicide SecÂtion sa pamumuno ni Chief Insp. Steve Casimiro, nadakip ang suspek na si Mark Leo Avila, alyas Ryan, 34, pedicab driver, residente ng Kahilum 1, Pandacan, Maynila.
Ang suspect ay sinasaÂbing kapitbahay ng biktimang si Arlyn Joy Balolong na ginaÂhasa at pinatay bago inabandona sa madamo at madilim na bahagi ng Old PNR station sa Paco, Maynila, kamakaÂlawa ng madaling-araw.
Una nang nagduda ang baÂrangay kagawad na si Ramon Sus, nang may makitang naiwan na maong na pantalon sa lugar hanggang sa madiskubre ang bangkay ng bata na walang saplot ang pang-ibaba at duguan ang kaselanan.
Ayon sa awtoridad, nakaÂtulong din sa kanilang paghahanap sa suspect ang mga kagawad ng Brgy. 827 Zone 95, na nakipag-ugnayan sa may-ari ng CE Printing SerÂvices Company na may footage sa kanilang closed circuit television (CCTV), kung saan napanood na akay-akay ng suspect ang biktima patungo sa lumang PNR station.
Mismong ang ama ng biktima na si Ariel Balolong ang positibong kumilala sa suspek at anak nang makita sa CCTV, habang napapasigaw at umiÂiyak .
“Anak ko yan, anak ko yan. Si Ryan yan, kapitbahay ko yan,†pasigaw na sinasabi at lumuluhang si Ariel Balolong.
Tugma naman sa mga naÂging testimonya ng dalawang kagawad ng barangay 825 Zone 89 na nagsabing una nilang nakitang kasama ng suspect ang bata at nang muling mamataan ay mag-isa na lang ito.
Natunton ang suspect haÂbang namamasada pa ng pedicab sa panulukan ng Kahilum at Macopa St. sa Pandacan dakong alas-8 ng gabi.
Mula sa PS-10 ay inilipat na ng MPD-Homicide SectÂion detention cell ang suspect habang isinampa na ang kasong rape with murder sa Manila Prosecutor’s OfficeÂ.
Ayon kay PO2 Michael Maraggun, ng MPD-Homicide Section, umamin ang suspect na nagawa lamang ang krimen dahil nakagamit siya ng iligal na droga.