Nagkainitan sa basketball Estudyante niresbakan, patay

MANILA, Philippines - Bala ang naging ganti na ikinamatay ng isang 22 anyos na estudyante  nang  isumbong ng katunggaling player sa kapatid na rumesbak, habang nasa basketball court, sa Quiapo, Maynila, kahapon ng hapon .

Dead on the spot ang biktimang si Don Johnson Alban , binata, residente  ng no.  1128 Plaza Del Carmen, Quiapo.

Hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng tumakas na gunman, na sinasabing Muslim at kapatid ng player na nakalaban sa basketball ng biktima.

Sa ulat ni SPO2 ­Ronald Gallo, ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas 3:00 ng hapon sa basketball court sa Carcer ­St. ­sa  Quiapo.

Nagkainitan umano ang biktima at isa sa kalabang player hanggang sa inilabas ng game ang dalawa.

Maya-maya ay may lala­king bigla na lamang bumaril sa biktima na hinihinalang resbak sa kaniya ng kaaway.

Patuloy pang iniimbestigahan ang insidente.

 

Show comments