MANILA, Philippines - Nahaharap ngayon sa kasong criminal ang isang propesor dahil sa sinasabing pananakit sa isang 4th year student ng Technological UniÂversity of the Philippines o TUP.
Ayon kay PO1 Edith ChaÂvez ng MPD Women’s and Children’s Desk na mga kaÂsong grave threat, physical injury at paglabag sa ReÂpublic Act 9262 o anti vioÂlence against children and women ang kinakaharap sa piskalya ng Maynila ni Michael Villadolid, 25, professor ng Art Education sa TUP Manila.
Batay sa imbestigasyon, alas-3:00 ng hapon Enero 13, pinapunta umano ni VillaÂdolid sa Araullo High School sa United Nations Avenue, Manila ang biktimang si Danna Castillo, 20, 4th year computer engineering student sa TUP at umano ay girlfriend ng suspek.
Gayunman, sa hindi maÂlamang dahilan ay nagtalo umano ang dalawa hanggang sa saktan ng suspek ang bikÂtima na agad na naghain ng reklamo sa pulisya.
Nabatid rin na tinangkang kunin ng mga awtoridad ang panig ng propesor ngunit umano ay hindi na ito makita.
Ang nasabing reklamo ay sinampa na sa prosecutor’s office ng Lungsod ng Maynila.