MANILA, Philippines - Bagsak sa pulisya ang 58-anyos na lola at pamangkin nito na magkasamang nagbebenta ng iligal na droga sa isinagawang buy-bust opeÂration, kamakalawa ng gabi sa Taguig City.
Kinilala ni Chief Insp. Jerry Amindalan, hepe ng Taguig police Station Anti-illegal Drugs Special Operations Task Group (SAID-SOTG) ang mga naarestong suspek na sina EleÂnita Logica, at pamangÂking si June Joseph Oreza, 38, kapwa naninirahan sa VP Cruz St, Lower Bicutan sa naturang lungsod.
Ayon sa ulat, ilang linggo munang tinitiktikan ng pulisya ang aktibidad ng mag-tiyahin dahil na rin sa sumbong ng mga kapitbahay sa talamak na pagbebenta ng droga ng mga ito sa lugar bago ikinasa ang buy bust operation matapos na makumpirma ang iligal na gawain.
Isang pulis ang nagpanggap na buyer at nang kumagat sa pagbenta ng isang pakete ng shabu, dinakma na ang dalawa ng mga nakaantabay na pulis. Nakumpiska sa daÂlawa ang anim na pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu at P1,000 ginamit na marked money.
Kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act ang isasampa ng pulisya sa piskalya ng Taguig City laban sa magtiyahin ngayong araw ng Lunes.