Mahabang pila, matinding siksikan eksena sa LRT sa Pista ng Nazareno

MANILA, Philippines - Tulad ng inaasahan, napakahabang pila at mas pina­tinding siksikan ang sumalubong sa mga pasahero na regular na sumakay sa Light Rail Transit Line 1 at Line 2 dahil sa pagdagsa ng mga deboto ng Itim na Nazareno patungo sa Maynila.

 â€œLRT 1-long queues, crowded trains and stations more than the usual due to the Black Nazarene Procession,” ayon kay LRT Authority spokesman Atty. Hernando Cabrera sa sagot nito sa isang pasahero na nagtatanong sa Twitter account nito.

Noong 2013, umabot sa 612,371 ang total na pasahero na sumakay sa LRT Line 1 sa Pista ng Itim na Na­zareno. Ito ay mula sa 582,989 noong 2009.

Mas lalo pang dumami ang bilang ng pasahero na sasakay sa LRT Line 1 at maging sa Line 2 kagabi sa pag-uwi ng mga deboto na nakisali sa prusisyon.

Una nang nangako si Cabrera na magdarag­dag sila ng bilang ng tren, tellers­, security guards, technical at me­dical personnel dahil sa inaasahang paglobo ng pasahero. 

Ito ay nang muling pa­yagan ng pamahalaan na makasakay ng tren ang mga debotong nakayapak lamang.

 

Show comments