Ex-con, balik-kulungan
MANILA, Philippines - Balik-kulungan ang isang ex-convict matapos na muli itong maaresto ng mga tauhan ng Manila Police District-Plaza Miranda Police Community Precint bunsod na rin ng reklamo ng isang babae na hinoldap nito sa Quiapo, Maynila.
Kinilala ni P/Insp. Rommel Anicete ang suspect na si Michael Santos, 44, miyembro ng Bahala Na Gang at residente ng no. 1065 A. Rivera St. Tondo, Maynila.
Batay sa report, dakong alas-6 ng hapon noong Huwebes ng tutukan ni Santos at kasamahan nito sa Raon at Evangelista Sts. ang biktimang si Cristal Lascano ng no. 895 Quezon Blvd. Quiapo, Maynila. Kinuha ng suspect ang Galaxy Ace cellphone ng biktima.
Humingi ng tulong si Lascano sa mga nagpapatrolÂyang pulis na sina PO2 Zaldy Francisco at PO1 Reynaldo Fortaliza na agad namang rumadyo kay Anicete.
Agad namang nirespondehan nina Anicete kasama si PO2 Joseph Almayda ang biktima at pinuntahan ang panulukan ng Recto at Avenida kung saan nakorner si Santos ayon naman sa deskriprisyon ng biktima.
Lumilitaw sa record na ang suspect ay kalalabas lamang ng New Bilibid Prison noong Agosto 23, 2013 kung saan nakulong ito noong 2010 sa kaso ding robbery.
- Latest