Obrero arestado sa panghahalay sa paslit

MANILA, Philippines - Arestado ang isang 18-an­yos  na construction worker makaraang gahasain nito ang isang 6-anyos na paslit kahapon ng umaga sa Navotas City.

Nakakulong sa Navotas City Police at nahaharap sa kasong statutory rape ang suspek na si Mark Afin, ng Ligtasan,  Antipolo City.

Ang biktima naman ay itinago sa pangalang Anna Liza, ay taga Little Samar St., Brgy. San Jose, Navotas City.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng Navotas City Police, naganap ang insidente alas-7:30 ng umaga sa loob ng bahay ng biktima sa naturang lungsod.

Nahuli sa akto ng tatay ng biktima na nakapatong dito ang suspek at nalamang ginahasa nito ang naturang paslit.

Kaagad na tumawag ng mga tanod ang tatay ng biktima na nagresulta nang pagkakadakip sa naturang suspek. Nabatid na stay-in ang suspek sa lugar ng biktima.

 

Show comments