MANILA, Philippines - Dalawa pang batang lalaki ang humabol sa mga nasugatan sa pagsabog ng paputok na kanilang kinolekta at pinaputok sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.
Ayon kay SuperintenÂdent Michael Macapagal, hepe ng Talipapa Police Station, nakilala ang dalawang biktima na sina John Kenneth Deniega, 11, at Mar Jayson Gotos, 11, kapwa residente sa Ilalim Tulay, Camachile, Brgy. Balumbato, sa lungsod.
Sabi ni Macapagal, ang dalawa ay nanatiling nakaratay sa MCU Hospital kung saan sila nilapatan ng lunas.
Dagdag ni Macapagal, ang dalawang biktima na grade 5 pupils sa Balumbato Elementary School ay nasugatan sa insidente sa bakanteng lote sa Dimaano Compound in BaÂrangay Balumbato, ganap na alas-2:30 ng hapon.
Dahil sa pagsabog, ang dalawa umanong kamay ni Gotos ay kinailangang putulin. Nagtamo rin umano ito ng sugat sa kaliwang mata.
Habang si Deniega ay kailangang gamutin dahil sa sugat sa ulo na kanyang natamo sa insidente.
Nabatid na ang dalawang bata ay namumulot ng hindi pumutok na paputok sa lugar at pinagsaÂsama-sama nila ito sa baÂkanteng lote.
Matapos na mapagsama-sama ang mga paputok, dagdag ni Macapagal, sinindihan nila ito at sa kasamaang palad ay sumabog na nagresulta sa pagkakasugat nilang daÂlawa.