MANILA, Philippines - Bulagta ang dalawang hinihinalang holdaper haÂÂbang isa pa ang nasa kritikal na kalagayan maÂkaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspect sa may underpass, Taft Avenue, Ermita, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Dead on the spot ang isa na inilarawan sa edad na 35-40-anyos, may taas na 5’9, nakasuot ng camouÂflage shorts, blue na t-shirt, rubber shoes at may tattoo na “Sharmyn†at “ BCJ-32†sa likod.
Habang nadala pa sa Philippine General HosÂpital ang isang Ariel Dalida, 24, ng Intramuros, Maynila subalit ilang minuto lamang ay idineklarang patay na dahil sa tinamong mga bala.
Sugatan naman ang isa pang biktima na si Rudy Fernandez, 23, ng Intramuros, Maynila sanhi ng tama ng bala sa kamay at katawan.
Hindi naman mabatid kung sino ang bumaril sa tatlo.
Sa ulat ni PO3 Marlon San Pedro ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-6:20 ng gabi nang maganap ang insidente sa underpass sa harapan ng Manila City Hall.
Una umanong nakita pang paikut-ikot sa lugar ang tatlo at hindi pa nagtatagal ay nakarinig ang mga vendor ng magkakaÂsunod na putok ng baril hanggang sa nakitang duguan at nakahandusay na ang tatlo.
Posibleng ang tatlo umano na madalas sa lugar ay panghoholdap ang lakad dahil si Fernandez ay dati nang naaresto sa kasong panghoholdap.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.