Binata binoga sa ulo

MANILA, Philippines - Isang binata ang namatay matapos barilin sa ulo ng hindi pa kilalang suspect sa Navotas City kahapon ng madaling-araw.

Dead on the spot si Mark Anthony Abaigar, 21, ng Bico­l Area, Barangay Tanza ng naturang  lungsod.

Sa ulat ng Navotas City Police, naganap ang insi­dente ala-1:30 ng mada­ling-araw.

Naglalakad ang biktima sa Bridal St., ng naturang barangay nang sumulpot ang suspect at biglang putukan ang binata.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspect.

Nagsasagawa naman ng follow-up operations ang  mga awtoridad at ina­alam ang motibo ng pagpatay.

Show comments