Driver na sumaksak sa among Koreano, sumuko
MANILA, Philippines - Sumuko sa hepe ng San Juan City Police kamakalawa ng hapon ang isang family driver na nanaksak sa amo niyang Koreano sa Pasay City noong nakaraang Disyembre 19.
Sinabi ni San Juan City Police chief, Sr. Supt. Joselito Daniel, na ipinasa na nila sa Pasay Police ang kustodiya sa suspek na si Froilan Escarmosa, 37-, ng Balut, Tondo, Maynila.
Sinabi ng hepe na unang tumawag sa kanilang tanggapan ang isang kaibigan ni EscarÂmosa at nagpahayag ng intensyon ng pagsuko sa kanya.
Dakong alas-4 ng hapon nang pormal na sumuko kay Daniel si Escarmosa kasama ang misis nito at anak. Agad naman silang nakipag-ugna yan sa Pasay Police para ligtas na mai-turn-over ito at kaharapin ang kasong frustrated homicide na isinampa laban sa kanya.
Sa rekord ng Pasay Police, sakay si Escarmosa at among si Young Jun Lee ng sasakyan ng huli sa may Macapagal Avenue at patungo sana ng Cavite upang hanapin ang kasintahan ng dayuhan para singilin sa utang nitong P4.4 milyon nang magtalo ang dalawa.
Dito nagbunot ng patalim si Escarmosa at sinaksak ang among Koreano na nagawang makalabas ng sasakyan at maÂkatakas.
Patuloy namang kinukunan ng kanyang salaysay si Escarmosa ng mga tauhan ng Pasay Police para sa kanyang depensa.
- Latest