Police asset tinarakan ng ‘tulak’

MANILA, Philippines - Sugatan ang isang asset ng pulis matapos saksakin ng isang tulak ng droga sa Caloocan City kahapon.

Ginagamot sa Caloocan Medical Center sanhi ng saksak sa ulo ang biktimang  si Danilo Mendoza, 46,  ng Buffer Zone, Dagat-Dagatan ng naturang  lungsod.

Nakakulong naman sa Caloocan City Police ang suspek na si Christopher Villamarin, 34,  ng Maypajo ng  naturang  lungsod.

Base sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente  alas-7:00 ng umaga nang dumalaw ang biktima sa kaanak sa may Sawata, Maypajo ng naturang lungsod.

Dumating dito ang  suspek at galit na sinisigawan si Mendoza  at agad na inundayan ng saksak ang biktima.

Ilang kaanak ng biktima ang nakatawag ng mga barangay tanod na naging dahilan upang madakip ang suspek habang dinala naman ang biktima sa naturang ospital.

Show comments