MANILA, Philippines - Patay ang isang driver maÂtapos itong magulungan ng mismong minamaÂneho nitong truck na umusad habang nakaparada at nagbaba ng softdrinks ang una sa Caloocan City kahapon.
Hindi na umabot ng buhay sa Martinez Memorial Hospital sanhi ng pinsala sa katawan ang biktimang si Primo Ruiz, 54, ng Roosevelt, Quezon City.
Ayon sa ulat, naganap ang insidente alas-11:45 ng umaga sa harapan ng Ralcue Enterprises sa Dagat-Dagatan Avenue ng naturang lungsod makaraang iparada ng biktima ang dalang truck upang magbaba ng mga karga nitong softdrinks sa isang tindahan.
Dahil sa pababa ang pinaradahan ng truck ay biglang umusad ang sasakyan dahilan upang habulin at sakyan ito ng biktima, subalit dumulas ang mga paa nito at nahulog hanggang sa nagulungan ng minamanehong sasakyan.