^

Metro

Baclaran nagdidilim sa sidewalk vendors

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi na mapigilan ang pagtitinda ng mga sidewalk vendors sa Baclaran kung saan sinakop na halos ang kabuuan ng Redemptorist Road sa tapat ng simbahan   sa kabila ng naunang pa­ngako ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na kanilang ire-regulate ito ngayong pa­nahon ng Kapaskuhan.

Ayon kay Our Lady of Perpetual Help national shrine Fr. Victorino Cueto, buong taon na nilang problema ang mga illegal vendors sa tapat ng simbahan na labis na inaalmahan ng kanilang mga deboto na regular na nagsisimba.

Sinabi nito na bahagya silang nagkaroon ng pag-asa nang si Olivarez ang umupo bilang alkalde ng lungsod at posibleng masolusyunan ang problema sa illegal vendors ngunit hindi ito naisakatuparan.  Bukod umano  sa sidewalk vendors na nakabara sa pasukan sa Simbahan, panganib rin ang talamak na krimen sa labas ng simbahan dahil sa mga mandurukot at snatchers.

Kamakailan sa pulong sa mga mamamahayag, sinabi ni Olivarez na pansamantala nilang binigyan ng “special permit” ang mga vendors para makapagtinda sa mga piling lugar sa Baclaran ngunit hindi sa tapat ng Simba­han. Ito ay makaraang humi­ling ang mga vendors para sa kanilang kabuhayan kung saan sinisingil ang mga ito ng P1,000 kada buwan at P20 kada araw.

Sinabi pa ng alkalde na nasa 970 stalls lamang umano ang kanilang napagbigyan dahil sa kakapusan ng lugar sa kabila na nasa 5,000 vendors umano ang pumupuwesto sa Baclaran. Ikinatwiran nito na ang natitirang higit sa 4,000 vendors ang nagsasagawa ng “guerilla operation” o pumupuwesto kapag walang nanghuhuli lalo na sa gabi.

Ngunit sa impormasyong nakarating kay Cueto, nasa P100 umano ang sinisingil sa bawat vendors bukod pa sa bayad sa permit sa pamahalaang lungsod.  Hindi naman nito binanggit kung saan napupunta ang nati­tirang P80 na sinisingil sa mga vendor.

Bigo rin naman ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na makontrol ang mga sidewalk vendors sa Baclaran sa kabila ng pa­ngako na paghihigpit upang mapaluwag ang daloy ng trapiko ngayong Disyembre.

 

vuukle comment

BACLARAN

CITY MAYOR EDWIN OLIVAREZ

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

OLIVAREZ

OUR LADY OF PERPETUAL HELP

REDEMPTORIST ROAD

SINABI

VENDORS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with