^

Metro

Presyo ng petrolyo, nagtaas uli

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muli na namang nagtaas ng kanilang produktong petrolyo ang mga higanteng kompanya ng langis kahapon ng umaga.

Simula alas-6:00 ng umaga­ kahapon nang magpatupad ang Petron Corporation, Pilipinas Shell, Phoenix Petroleum at PTT Philippines  ng pagtataas ng P0.30 kada litro sa diesel­. Nagtaas din ang Shell at Petron ng P.55 sa kada litro ng kerosene.

Hindi naman kasama sa pagtataas ng Petron at ng Shell ang mga lugar sa Visayas na tinamaan ng bagyong Yolanda.

Matatandaan na noong nakaraang linggo ay unang nagpatupad ng P1.35 kada litrong pagtaas sa diesel at P0.35 sa gasolina ang na­sabing mga kompanya.

Noong nakaraang linggo, big time price hike rin sa presyo ng “liquefied petroleum gas (LPG)” naman ang ipinatupad.  Nagtaas ng hanggang P14.30 kada kilo o P157.30 kada 11-kilong tangke na labis na nagpabigat sa budget ng mga misis ng tahanan at ng mga karin­derya.  Nagtaas din ng presyo ang kompanya sa Auto LPG ng P7.99 per liter.

Kamakalawa, inaprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang P4.15 kada kilowatt hour ng Manila Electric Company (MERALCO) na idinulot umano ng shutdown ng Malampaya Gas Plant at ng walo pang planta na nakisabay rin sa pagsa-shutdown.

Sinabi naman ng Meralco na kailangan na ka­ilangan na ng mga bagong “power plants” sa bansa dahil sa pawang mga luma na ang mga planta na nagpo-prodyus ng enerhiya kaya sabay-sabay na nagsasara kapag nagkakaroon ng aberya­.

vuukle comment

ENERGY REGULATORY COMMISSION

MALAMPAYA GAS PLANT

MANILA ELECTRIC COMPANY

NAGTAAS

PETRON

PETRON CORPORATION

PHOENIX PETROLEUM

PILIPINAS SHELL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with