MANILA, Philippines - Tatlo katao ang nasawi kabilang ang magkapatid na lalaki sa isang barilan na naganap kamakalawa sa Caloocan City.
Dead-on-the-spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan ang magkapatid na sina Pakistan at Mastura Musa, may-ari ng cellphone accessories ng Phase 1, Bagong Silang ng naturang lungsod.
Dead-on-arrival naman sa Jose Rodriguez Hospital sanhi rin ng mga tama ng bala sa katawan si Mike Amer, 38, store owner din ng cellphone accessories ng Phase 4, Bagong Silang.
Ayon sa imbestigasyon ng Caloocan City Police, naganap ang insidente alas-2:30 ng hapon kumakain si Amer sa Basideco Market sa Phase 4, Bagong Silang nang sumulpot ang magkapatid at pagbabarilin ito.
Kahit sugatan ay nagawang makaganti ng putok ni Amer at napuruhan ang makapatid na Musa at dinala naman ang una sa naturang ospital.
Kompetisyon sa negosÂyo ang isa sa mga angguÂlong iniimbestigahan ngaÂyon ng pulisya.