Lovers sabay nag-dive sa gusali: 1 patay

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang 27- anyos na lalaki habang kritikal­ naman ang kanyang kinakasama nang sabay na tumalon mula sa rooftop ng isang gusali sa Tondo, Maynila, kama­kalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Tondo General Hospital si Jomar Enriquez, ng Riverside Squatters Area, Vitas, Tondo, Maynila.

Inoobserbahan naman sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang live-in partner nito na si Rubilyn Teracion, 25.

Sa ulat ni SPO3 Rodelio Lingcong, dakong alas- 8:30 ng gabi kamakalawa nang maganap ang in­sidente sa rooftop ng 4 na palapag na Katuparan Building III, sa Tondo, Maynila­.

Bago ang pagtalon, nakita pang nagtatalo umano ang dalawa. Selos ang sina­sabing ugat ng pagta­talo.

Hinihinalang nang hindi magkasundo ang dalawa sa pinag-aawayan, nag­hamunan na wakasan na lamang ang problema sa pamamagitan nang sabay na pagtalon sa gusali o pagpapakamatay.

Patuloy pang inaalam kung may foul play sa insidente.

 

Show comments