Ex-convict itinumba

MANILA, Philippines - Patay matapos pagbabarilin ang isang 37-anyos na ex-convict ng apat na lalaking armado, sa San Andres Bukid, Maynila, kaha­pon ng umaga.

Dead on the spot dahil sa tinamong da­lawang bala sa ulo at katawan ang biktimang si Zacarias Marquez, residente ng no. 550 Corcuera St., Tondo, Maynila.

Sa ulat ni PO2 Michael Maraggun, dakong alas-8:30 ng umaga  nang maganap ang pa­mamaril sa Chromium St. San Andres Bukid, Maynila.

Ayon kay Maraggun, nakita ng isang Roberto Cudal, barangay kagawad, na may kausap na dalawang lalaki ang biktima at sa di kalayuan ay nakatayo lamang ang dalawa pang lalaki.

Nakita din umano ni Cudal na nagtatalo na ang biktima at dala­wang kausap nito at hindi nag­tagal ay nakarinig na siya ng mga putok at nakitang nakabulagta na ang  biktima.       

Ayon umano sa ka­patid ng biktima, labas-masok sa kulungan ang biktima at nitong naka­lipas lamang na Oktubre 28 ito huling lumaya sa piitan sa kasong robbery.

Hinihinalang mga dating kasamahan sa iligal na gawain ang pumaslang sa biktima.

Show comments