MANILA, Philippines - Patay ang isang kawani nang barilin ito ng isang guwardya ng banko maÂtapos ang maÂinitang pagtaÂtalo, kahapon ng umaga sa Parañaque City.
Dead-on-the-spot ang biktimang si Edmund Picao, 23, residente ng J. Marquez Compound Brgy. BF Homes ng naturang lungsod sanhi ng tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan buhat sa shotgun.
Nakakulong naman ang suspek na si Remar Cabison, 30, guwardya ng International Security Agency na nakatalaga sa Metro Bank, nakatira sa San Francisco St., Brgy. Fajardo, Las Piñas City.
Base sa imbestigasyon ni SPO1 Rudy G. Dimson ng Station Investigation and Detective Management Section ng Parañaque City Police, naganap ang inÂsidente alas-7:00 ng umaga sa tapat ng Metro Bank, panulukan ng Tehran St. at Aguirre Avenue, ng naturang lungsod.
Dumating ang biktima sa naturang banko at sinita ito ng suspek para inspeksiyunin ang una, subalit na-offend ang una dahilan upang magkaroon ng mainitang pagtaÂtalo ang dalawa.
Sa kainitan ng pagtatalo ay binunot ng suspek ang kanÂyang shotgun at pinaÂputukan ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.
Papatakas na sana ang suspek at nagliligpit na ito ng kanyang mga gamit, subalit inabutan at dinakip ito ng mga nagrespondeng tauhan ng pulisya.