Bangkay ng magbiyenan, natagpuan sa loob ng SUV

MANILA, Philippines - Natagpuan sa loob ng inabandonang sport utility vehicle­ (SUV)  ang bangkay ng dalawang  lalaki, kahapon ng umaga sa  Quezon City.

Ayon kay PO2 Hermogenes Capili, ng QC Police Detection Unit , ang mga biktima ay may mga sugat at marka sa katawan nang matagpuan ang mga biktima na lulan ng nakaparadang  kulay grey na Honda CRV  (XPB 777) sa may  Brgy. Holy Spirit sa nabanggit na lungsod.

Nakilala ang mga nasawi, na sina Rodolfo Montalbo at Anthony Abraham, na sinasabing mag-biyenan, buhat sa Sta Maria, Bulacan.

Anya, ang naturang sasakyan  na nakarehistro sa isang Angelito Niccolas ng Bulacan ay unang nadiskubre ng isa sa mga nakatira doon na nakaparada  sa may kanto ng  Cerilo at de Leon Sts. ganap na alas -7 ng gabi ng Huwebes.

 Ayon kay QCPD-Station 6 commander Superin­tendent Eleazar Matta, ang dalawang biktima  ay  nakitang nakaupo sa likod na upuan  ng SUV. Ang mga ito anya ay may sugat  sa dibdib at balikat  at marka ng pagkahiwa sa  leeg.

Show comments